Online Manila | 5 Gawaing Ginagamit ng mga Growth Hackers para Paangatin Agad ang isang Startup | ni Homer Nievera | Kumusta ka-negosyo! Isa na naming kapana-panabik na segmat o pitak ang ihahandog ko ngayon sa inyo. Sa mahigit na dalawang dekada ng aking experience sa digital media at digital marketing, marami din akong nasubukang mga teknik sa pagpapaangat ng ga startup na Negosyo. Siyempre, natuto din ako ng ilang beses sa mga istratehiya kong pumalpak.
Konting balik tanaw muna sa aking pinaggalingan, para mas mabigyan ng konteksto ang aking payo sa pitak ngayon.
Ako po ay nagsimula ng pagnenegosyo noong ako ay nasa ika-unang baitang pa lang. Nagdedeposito ako noon ng mga boteng di na isinasauli at kumikita ng 30 sentimos sa kada pagbalik ng bote ng softdriks sa canteen ng aming paaralan. Ang halaga nun sa pera ngayon ay lima hanggang walong piso kada boteng naisauli ko. May halaga kasi ang bawat bote sa mga manufacturer ng softdrinks.
Nagparenta din ako ng mga komiks at nagbenta ng tingi ng Chocnut nung elementarya ako at nagbenta ng subscription ng magasin na Reader’s Digest noong high school ako. Noong kolehiyo na ako, nag-produce ako ng mga maliliit na konsyerto.
Dahil na din sa hilig ko sa media, ilang kumpanya ng media ang aking mga napasukan, bukod sa ilang advertising agencies at korporasyon.
Nung magpapalit na ng milenya noong taong 2000, nag-shift na ako sa digital media kung saan naging global head ako ng advertising ng mga kumpanyang Friendster at Multiply. Nakatrabaho ko din ang mga higanteng Microsoft, Facebook, Yahoo at Google.
Dahil sa mahigit 30+ na taon kong pamamasukan sa iba’t ibang kumpanya ng media, naisipan kong magtayo ng isang network ng mga blog at digital publications na umaabot na ngayon ng 100+ na websites na siyang nagpapalaganap ng iba’t bang content sa buong mundo.
Kaya naman di lalayo sa aking experience ang tinatawag na Growth Hacking kung saan nakatuon sa tamang paggamit ng digital marketing upang mapabilis ang pag-ungos ng isang startup na negosyo.
Kaya naman sa segment na ito, ilalatag ko ang mga mismong natutunan kong mga Teknik kung nais mong bigyan ng powerboost ang bago mong Negosyo.
Handa ka na bang matuto?
Tara na! Let’s go!
#1 Bumuo ng maayos at optimized na website
Madaling sabihin na meron ka ng website. Madali din sabihin na maayos ang website mo. Pero kung sadyang di sa website mo nanggagaling ang trapiko o benta mo, wala pang traction yan na masasabi. Sa madaling salita, di pa ito epektibo. Ano ang dapat mong gawin?
Una, kailangan mong planuhin muna kung anon ga ba ang dapat layunin ng website mo. Ito ba ay gagamitin para sa mga tranaksyon ng pang ecommerce? Gagamitin ba ito na paglalagakan ng iba’t ibang content, o ito’y parang brochure lamang? Puwede din kasing sabihin na ito ay gagamitin lang na pang blog lang.
Ikalawa, kung nailatag mo na ang pinaka layunin ng website mo, aayusin na ito para umayon sa target mong mga bisita o users. Maraming titingnan o paghahandaan dito. Mula sa bilis ng loading ng site, hanggang sa mismong itsura at content nito. Ang tawag natin dito ay UI/UX o yung User Interface at User Experience.
Mahalagang isaalang-alang ang mga bisita at gumagamit ng website mo. Siyempre, nais mong maging maganda ang experience nila upang bumalik-balik sila sa site mo di ba?
Ikatlo, ang optimization na tinatawag sa website mo ay ang mga Teknik kung paano mahahanap ang website mo at ito’y mabisita. Nagsisimula ang lahat nang ito sa content ng website o na nakikita ng mga search engines gaya ng Google at inirerekomenda sa mga searchers. Sa ganoong paraan sila nakakadikubre ng content mo at napapadpad sa website mo.
Ikaapat na pinakamahalaga ay ang mismong transaksyon nan ais mong gawin ng mga bisita mo sa website. Mamimili ba sila? Magbabasa muna bago mamili? O inquiry at leads lang ang nais mo? Dahil anuman ang nais mong ipagawa sa kanila, makikita yan yan sa customer journeyna inilatag mo para sa kanila.
Tandaan din na may malaking kinalaman ang SEO sa istruktura ng website mo. Yan naman ang isusunod nating tatalakayin.
#2 Kailangan mo ng SEO
Ang Search Engine Optimization (o SEO) ay kadikita at kaakibat ng isang optimized website. Gamit ang mga teknik sa SEO, naipoposisyon ang mga keywords sa loob ng website upang makahatak ng mga bisita.
Ang paraan ng paggamit ng SEO sa mismong website, ang tawag dito ay on-page SEO. Maraming ginagawa sa SEO sa loob ng website upang ito ay mas madaling mairekomenda ng mga search engines. Ang pinakasimpleng pamamaraan ay ang pagsasaayos ng mga tamang keywords at pagpoposisyon sa mga ito sa loob ng mismong website.
Ang ikalawang uri ng SEO na gagamitin ay ang offpage SEO. Sa simpleng salita, ito ay ang pag sasaayos ng content sa labas mismo ng website. Kaya dito gumagamit ng mga blogs, social media at Youtube upang mas madaling madiskubre ang website mo at nilalaman nito.
Dahil maraming teknikal na salita at Gawain dito, sabihin na lang natin na isang maayos na pakikipag-ugnayan ng art at siyensiya ang SEO.
#3 Masinop at strategic na paggamit ng social media
Malaking bagay ang ginagampanan ng social media sa growth hacking. Ang dahilan nito ay ang laki o lawak ng naaabot nitong mga tao. Sa totoo lang, halos libre ang nagagawa nitong pag-abot sa mga nais mong targetin na merkado. Pero siyempre, may mga istratehiyang nakapaloob pa din dito upang maging epektibo ang gagawin mo.
Una, kailangang magkaroon ng sariling page o account. Sa pitak o segment na ito, ang gamitin natin muna ay ang Facebook, dahil na din sa dami ng gumagamit nito. Ikumpara natin ang sariling Facebook Page sa sariling website, kung saan iisang brand lang ang gagamitin mo. Dun kasi sa sariling Facebook page nakapaloob ang impormasyon gaya ng website address, telepono, deskripsyon ng negosyo, at iba pa. Dahil maaari mong ikabit ang Messenger dito, nagiging mabilis at libreng bagsakan ito ng mga mensahe, na sadayng di mo magagawa kung teleono lang ang gamit.
Ikalawa, magagamit ang Influencers sa kampanya mo sa social media. Ang mga influencers ay may malalaking tagasunod o fans na at sila mismo ang mag-eendorso sa brand o negosyo mo. Bukod sa mura, mas mabilis mong maabot ang merkado mo.
Basta’t alam mong di lang ikaw ang Facebook page sa buong mundo na may ganoong negosyo, alalahanin mo ang mga teknik para mas matandaan ka nila.
#4 Ang halaga ng advertising o patalastas
Bukod sa Influenvers na nasa social media, maigi ding gumamit ng advertising sa mismong Google at Facebook. Ang ganitong paraan ng advertising ay epektibo mula sa simpleng Boosting hanggang sa patuloy na advertising upang mas mabilis kang makilala. Mas matatarget mo din ang mga ads mo sa mas malaim at masinsin na mamimili ang mga ads na ito.
Ang pag-set ng mga preferences gaya ng location, gender, behavior at iba pang settings ay mkakatulong sa mas masinsin na targeting.
Biro mo na sa halagang 60 pesos, kayang mong umabot ng mahitigit 2,000 na tao sa ads mo? Kahit araw-araw kang magpakape ng isang target na kliyente, di mo magagawa ang pag ads sa ganitong karaming tao, sa ganung halaga, di ba?
Yan ang lakas ng ads ng Facebook at Google.
#5 Ang kombinasyon ng PR at promosyon
Dahil hindi naman kakasya sa pahina ng isang column ko ang lahat ng teknik sa Growth Hacking, ipagsasama ko na lang dito ang kombinasyon ng PR, newsletter o email marketing, at promosyon.
Ang PR o public relations ay isang malawak na segment ng digital marketing. Ang paggamit ng media ang pangunahing sandata ng PR, kung saan nailalatag ng mga media ang content sa kani-kanilang websites o blogs. Meron ding tradiyonal na PR na sakop ang TV at Radyo. Isusulat mo lang ang PR at isusumite na sa kanila – na sana ay mailathala.
Ang kaakibat ng PR ay ang Newsletter o Email Marketing. Nakadepende man ito sa listahan ng mga emails ng mambabasa, isang pindot lang ay nakadirekta sa emails ng mismong mga tao ang email na ipapadala mo. Mas masinop at tunay na targeted ang dating ng mensahe. Dahil natanggap na nila nang personal ang mensahe o offer mo, may kredibilidad ang tagapag-salita.
Ang promosyon naman ay gaya ng mga contest, rewards, give-aways, points at iba pa. Ang nais ng isang promosyon ay ang mabilisang “pag-oo” ng kostumer. Maraming paraanng promosyon. Ngunit basta may libre sa pagbili mo, promosyon na ang matatawag dun.
Pero tandan na ang promosyon ay di maaaring gawing tuloy-tuloy. Magsasawa na kasi ang mga tao at di na excited sa susunod mong promosyon.
Konklusyon
Ang pagiging isang growth hacker ay sadyang komplikadong trabaho at di pare-pareho ang antas ng paggalaw. Laging nakadepende sa uri ng produkto at serbisyo at pati na rin ang mga bagay-bagay na meron ang negosyo.
Sa dulo, ang layunin ng negosyo ang dapat malaman at pati na rin ang galaw ng kumpetisyon parra mas madaling malaman ang mga susunod na aksyon.
Di na ako mahihiyang ilantad ang aking kakayahan bilang growth hacker dahil alam kong balang araw ay makakatulong ako sa inyo.
Kung nais makontak ako bilang isang growth hacker, email lang ako sa chief@negosentro.com.
Image by StartupStockPhotos from Pixabay
More Stories
Mama Sita’s Mga Kuwentong Pagkain annual storytelling launches its Holiday Edition – “Pamaskong Pagkaing Pilipino”
Mama Sita Foundation supports Project Saysay’s 10th anniversary
Beat the summer heat with Mang Inasal’s Extra Creamy Halo-Halo